Thursday, November 23, 2006

Batang bata ka pa

Nakapagsulat na ako noon tungkol sa topic na ito: ang mga kabataan na nagfifeeling na matanda na. Pero noon, ang focus ng blog ko ay yung mga bata na kung umacting ay napakabigat ng problema nila, na para bang pasan na nila ang mundo sa paghihirap nila. Eh sa totoo naman ang babaw ng problema nila. Ngayon, ang magiging focus ko dito ay yung mga bata na acting matanda pagdating sa mga nalalaman nila sa mundo.

Gaya ng sinasabi sa kanta ng APO Hiking Society, "Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo." Pero ang daming mga bata dyan na kung umasta ay nalalaman na nila ang lahat. Kung magsalita, akala mo ay kung ano na ang napagdaanan nila sa buhay. Nagbibigay pa ng advice minsan! O kaya naman ay nagpupumilit na sumali sa usapan ng matanda pero wala namang maicontribute na opinyon na may kwenta.

Meron akong mga kilalang ganyan. Kaya ko nga sinusulat ito eh kasi naiinis na ako sa kanila. Minsan kasi dapat ang isang tao, alamin nila kung ano ba ang lugar nila sa mundong ito. Kung bata ka, umacting bata ka. Alam ko na maraming bata dyan na nagmamadaling tumanda na di naman kelangan. Wag magsalita sa mga bagay na di mo nalalaman kung hindi ay mapapahiya ka lang. At wag ipilit ang sarili at ipilit sa ibang tao na "mature na kaya ako!" dahil sigurado akong hindi ka pa mature.

Pero dapat isipin din ng matatanda na matanda na sila, wag mag feeling bata. Pero at least naman kasi ang matatanda, kayang makihalu-bilo sa mga bata dahil alam nila kung paano. Napagdaanan din nila kasi ang pagiging bata. Yung mga bata talaga ang wag mag feeling matanda dahil hindi nila alam kung paano ba ang maging isang matanda, kung ano ang iniisip ng isang matanda, kung ano ang dinaranas ng matanda dahil sa hindi pa nila napagdadaanan ito!

Am I ranting and rambling? I definitely am. Naiinis lang talaga kasi ako kaya heto wala nang kwenta ang naisusulat ko. Pero di pa naman ako ganun katanda. For sure, may mga mas matatanda sa akin na naiinis sa akin dahil feeling din ako minsan. Basta ang sinasabi ko sa mga sinulat ko dito ay para sa mga mas SOBRANG bata pa.

Ang masasabi ko na lang bilang pagtatapos: bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit!

1 Comments:

Blogger KC said...

ugh.

3:28 PM  

Post a Comment

<< Home