Wednesday, November 15, 2006

Ubusan ng Pera

There's a retreat this weekend and since I am not part of the auxilist, I have to pay for the privilege of becoming an auxi. I'm going to Palawan next weekend and that's going to cost me a bundle of cash. I'm buying a new digicam since I need that camera for the retreat and for the Palawan trip. I bought four t-shirts from Threadless and that's gonna be in dollars and the shipping costs are pretty big since it's from the USA to the Philippines. Not to mention the upcoming Christmas season and the associated gift-giving. Waahhh!

Ang dami kong mga unnecessary na gastos this month. Pero ginusto ko naman ang mga gastos na ito. I wanted to go on a vacation since summer pa and ngayon lang nagkaroon ng chance na magbakasyon kaming mga friends ko so go talaga ako dito. Yung sa retreat naman, ito na ang pinaka-last for the year and kasama ang mga people na gusto kong makasama (with some notable exceptions: hay naman kuya deneb, rose, jedgar ) so go din talaga ako dito. The digicam is a little more unnecessary than the others. Pero nawala ko kasi yung una kong digicam and my mom is looking for it na so I need a replacement, pronto! Thank goodness for 0%, 12-month installment plans! Yung sa Threadless ang sobrang unnecessary pero ang cute sobra ng mga shirts nila and they are on sale! Nung late October eh bibili na dapat ako dun kasi sale din back then. Pero nung oorder na ako eh biglang natapos ang sale! So if you think about it, parang delayed purchase lang ito hehehe. I just hope I'll get the shirts in time for Christmas...

And speaking of Christmas, hindi na talaga ako magrregalo! I guess sa family na lang talaga ako magbibigay. May sure na akong gastos dun, yun 1K para sa gift namin ng ate ko kay mama. I still don't know what I'm going to give to my dad, alak na lang siguro. Sa ate ko siguro eh lotion na lang. As for my kid brother, wag na! Hahaha... For friends and orgmates, sana magkaroon na lang ng kris kringle. At least kapag ganun, wala nang pressure na bigyan ang lahat, yung nabunot mo lang hehehe.

Hay ubusan talaga ng pera for this month and the next. Thank goodness for the 13th month pay! And the christmas basket. And the sick leave reimbursement. Hehehe... At least yung mga extra na pera na yan ang magccover ng mga gastos ko. Hopefully by January next year, makapagsimula na ulit akong mag ipon. I haven't saved a single cent since June!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home