Si Darna, si Barbella at ang Multong Bakla
Sa retreat namin, merong aktibidad na kung tinatawag ay joke time. Bale sa joke time merong mga skit ang mga auxis, para bang sketch comedy. At isa sa mga skit ay ang Saturday Fun Machine. Walang script sa skit na ito, kinakailangan lang ay may karakter ka at magkagulo na kayo sa stage! Noon, ayokong sumasali sa Saturday Fun Machine kasi wala naman akong naiisip na karakter na gampanan. Pero simula last year, kung kelan komportable na ako sa aking sarili, sumasali na ako sa skit na ito.
Ang pinaka-unang karakter kong ginampanan ay si Darna. May kapartner ako pag ganito. May babaeng papasok, sisigaw ng "Darna!" tapos bigla akong papasok habang nagsisigaw ng "Bruha ka! Bruha ka! Ako ang tunay na Darna!" Patok ito sa retreatants. Kahit ano namang bading na karakter ay patok sa kanila. At nakakatuwa na nae-enjoy nila ang aking acting kaya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na palaging gawin ito.
Merong isang retreat, bigla akong nagsawa kay Darna. Wala na kasi sa ere ang palabas na ito kaya medyo laos na. Nag-isip ako kung ano ba ang pwede at nakita ko ang musical instrument na dala ang isa kong kasamahan na mukhang barbell. Napaisip tuloy ako, pwede ko kayang gamitin ito? Kinuha ko ang "barbell" at tinakpan ito gamit ang isang jacket. Pagtapak ko sa entablado para sabihin kung sino ako, tumahimik ang lahat kahit ang kapwa kong auxi. Walang nakakaalam kasi kung sino ba ako. Sabay biglang sigaw ng "Ako si Captain Barbella!" linabas ang maliit na barbell at nag acting bading na naman.
Nung nakaraang dalawang retreat, nag isip ulit ako ng bagong karakter. Malapit na ang Halloween kaya merong biglang pumasok na ideya sa utak ko. Papasok ako na merong nakatalukbong na kumot sa akin. Isisigaw ko ng pamacho "Ako ay isang multo!" tapos huhugutin ko ang kumot at sisigaw muli na "Ang multong bakla!" Syempre dapat bading ang role, yun ang masaya eh. Hindi na naman alam ng mga auxi at ng mga retreatant na ito ang karakter ko kaya naman natutuwa sila. At natutuwa ako na natutuwa sila.
Merong nagsabi sa akin pagkatapos ng isang joke time, "Grabe todo bigay na ah!" At sinabi ko na "Kapag joke time lang naman po." At totoo, kapag joke time lang naman ako nakakapag ganyan. Kahit na nakakasawa na paulit-ulit ang mga karakter na ginagampanan ko, sige go pa din! Palagi kong sinasamantala ang pagkakataong ito na mag bihis babae, mag make-up. Kasi ang liberating na kahit ilang segundo lang, iba akong tao. Hindi ako ang normal na Ben na nakikita ng lahat. Isa akong tunay na bakla! At nakakatuwa na sa ganyang sitwasyon, pwedeng magpakatotoo na walang takot na kukutyain ako. Oo tumatawa sila pero ang iniisip ko na lang: "They're laughing with me, not at me." Sana palagi na lang ganyan.

1 Comments:
big ben! sayang wala pa akong nakikitang joke time mo. hahaha. shets naiimagine na kita. hahaha. baka hindi ako makamove-one after ng moment mo. :-D
Post a Comment
<< Home