...
Last year, merong palaging ipinagpipilitan sa akin ang isa kong kaibigan. Kung ano man yung pinagpipilitan niya, sa akin na lang yun. Basta palagi akong nagdedeny tuwing nabbring up ang topic. I always try to change the topic or dinadaan ko sa mga jokes, matigil lang ang usapan. Denial King eh... Pero kahapon, di ko na kinaya. Hindi naman niya brining up yung topic, ako na lang yung biglaang umamin na totoo nga ang iniisip niya. Sobrang biglaan kong sinabi sa kanya. Kumakain kami nun tapos bigla kong binuksan ang aking bibig at sinabi ang katotohanan. Tapos dumating ang iba naming kasama at sarado na bigla ang usapan na yun. Sampung segundo lang na mapapagod ang aking dila pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na iconfirm ang hinala niya. Bakit ko naman biglang sinabi yun kung kelan hindi nga brining up ang isyu? Ewan ko lang... Siguro kinelangan ko lang ilabas dahil matagal na panahon ko na yun kinikimkim. O kaya siguro medyo hopeless na kasi ang sitwasyon ko, kelangan ko na siguro ng tulong... Ahh ewan...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home