Pasko Na?
Taun-taon, before dumating ang mismong araw ng Pasko, palagi akong nagcocomplain na hindi ko nafifeel na Christmas season na. Pero kapag Chrsitmas Eve na, ayan feel na feel ko na talaga ang Pasko. Pero ngayong taon, wala talaga... Araw na ng Pasko ngayon at wala pa din akong holiday spirit. Iniisip ko na baka naman kasi meron akong di nagawa o kaya'y kulang na elemento ngayong taon. Pero hindi rin eh... Nakapagshopping naman ako ng mga pangregalo't nakisiksik sa malls at tiangge. Nakakuha naman ako ng mga regalo galing sa mga kaibigan at mahal sa buhay. Malamig naman ang panahon. Nakapag simbang gabi. Nakakain ng puto bumbong at bibingka. Nakapakinig ng mga Christmas carols... At natrapik ng matagal! Ang 'di ko lang na-experience ngayong taon eh ang mag kris kringle at hindi naman iyon malaking kawalan sa akin... Pasko na talaga ang lahat ng elemento sa aking buhay except lang ang aking puso. 'Di ko talaga feel. Bakit kaya?!?!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home