Swimming!
Nagtext kagabi yung isa kong orgmate, nag-aaya na magswimming daw kami sa Bene today. Ayoko sanang sumama kasi meron akong work. Pero naisip ko din, "Sige na nga! Minsan lang 'to..." So go go go na ako, pero balak ko eh sandali lang at papasok pa din ako sa office! Syempre di ako nagpaalam sa nanay ko na magsswimming ako kasi magagalit lang yun. So gumising na lang ako ng maaga kanina, sinabi sa nanay ko na hindi ako sa kanya sasabay sa kanya papuntang Makati, at dumerecho na ng Bene. Nung una parang tinamad akong lumangoy kasi ang init. But the moment my skin felt the cool water, shet enjoy naaaa! Ang sarap pang kasama nung mga orgmates ko. Kaunti lang kami, walo lang yata lahat lahat. Pero ang saya pa din. Paikot ikot lang ng pool. Kinukulit yung mga dumating na aspi. Linulunod si Dane. "Minamanyak" ang mga babae. Hahaha... Sarap. Pero pagpatak ng 1:30, umahon na ako. Naligo na. Kinakailangan ko na kasing pumunta ng trabaho. Hindi ako nalungkot nung una na maaga pa lang eh iiwan ko na sila. Pero pagkarating ko dito sa trabaho, ayan medyo nalungkot na. Naaamoy ko pa din kasi ang chlorine. Nararamdaman ang agos ng tubig. Naaalala ang mga halakhak namin. Pero hindi dapat magregret. Dapat kasing maging responsable na. Kaya ayan nagtatrabaho ako ngayon (teka, nagbblog ka eh!!!). Nagpapaka-mature. Matanda na eh. At kelangan nang umasal nang nararapat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home