Tuesday, March 07, 2006

samu't saring bagay na naman...

  • bakit ganun ang pag-ibig? palaging wrong timing... kung kelan gusto mong ma-in-love ka, wala ka namang napupusuan... kung kelan gusto mong maging single, atsaka ka hahanapin ni kupido...


  • nagliligawan kaya ang mga bading? bigayan ng flowers, tsokolate, may kasama pang harana... or parang US style kaya na wala nang courtship? date, date, date tapos boom! ayan magsesex na kayo...


  • posible kaya talagang ma-in-love ka sa isang tao sa pamamagitan ng internet lamang? makipagchat ka ng kaunti, mag-exchange kayo ng litratos, enough na kaya yun para mahulog ang loob mo?


  • ano kayang feeling na masetup ka sa isang blind date? nakakatakot siguro talaga kasi hindi mo kilala kung sino ba ang kikitain mo. kung swertehin, gwapo't mabait ang blind date. eh paano kung pangit at masama?


  • nagwwork kaya talaga ang gayuma? meron akong gustong gayumahin... bwahaha... pero may ganun ba talaga na epektibo? kaunting mix lang ng mga ingredients, ihalo ang laway mo, ayan na! in love na si petra sayo...
  • 0 Comments:

    Post a Comment

    << Home