Monday, September 26, 2005

Numb

Parang feeling ko eh lately eh naging numb na ako. True, nagpapakita pa din ako ng saya at ng lungkot pero di ko sila nafifeel ng totoo. Parang wala nang emosyon sa loob ko.

Nagvvolunteer ako sa mga retreats na inoorganize ng org ko. Sumasama sa staff. Pero kahit na staffer ako, immersed pa din ako sa activities so parang nagreretreat na din ako. At syempre umiiyak ako kapag oras na ng nakakaiyak na activities sa retreat. Oo, umiiyak pa din ako hanggang ngayon pero parang corocodile tears na lang. Automatic na. Parang "ayan na ang nakakaiyak na song... lumuha ka!" Hindi sincere... Walang emosyon sa likod ng mga luha na yun.

Meron kaming isa pang activity kung saan iha-hug mo ang mga kapwa staffers mo't pwede mong sabihin ang kahit na ano. Magpasalamat o magsorry o kung ano pa man. Ako, balak ko sanang magpasalamat sa isa kong kasamahan ko na sobrang bait sa akin. Na kahit madami na siyang nalaman tungkol sa akin na magiging rason para di na kami maging magkaibigan, andyan pa din siya and mas nagiging close pa ako sa kanya. Pero nung ayan na't ihahug ko na siya, di ko masabi. Dahil di ko nafifeel ang pagiging thankful.

Madami pang mga example. Di ko na sasabihin... Bakit kaya ganito ako ngayon. Wala na nga akong sigla na gawin ang mga gusto kong bagay tulad ng manood ng sine or magbasa ng news, wala na din akong sigla na maging tunay na tao. Emosyon kasi ang bumubuhay sa isang tao, ang nagdedefine ng personality niya. Ngayon, wala akong emosyon. At di ko na alam kung sino ba ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home